Welcome to my blog :)

rss

Monday, March 8, 2010

hay..

Ang alam ng ibang tao masayahin at matapang daw akong tao....... Dahil sa mga pinapakita kong ngiti saking mukha't mata sa tawa't halakhak saking mga bibig...... Sa tuwing pagtawa nila gawa ng aking simpleng pagpapatawa...... Sa paggawa ko ng paraan para mapangiti sila at mawala ang mga lungkot sakanilang mga mukha...... Kaya gustong-gusto nila kong makasama dahil sa mga simpleng bagay na nagagawa ko para pasayahin ang mga taong nasa paligid ko...... Pero ang hindi nila alam na sa likod ng mga tawa at ngiti ko ay luhang pumapatak naman saking mga mata pag ako'y mag-isa...... Dahil saking pag-tawa't pag-ngiti ay may munting lungkot din sa likod ng mga tawa at ngiti ko....... Matapang daw ako?....... Yun ang sabi ng iba sa akin na ang tapang ko daw?...... Dahil pag may gulo nangunguna ako sa mga yun pero hindi ibig sabahin nun ay mahilig ako sa gulo....... Dahil daw pag may umaaway o nananakit sakanila nangunguna akong sumugod para iganti sila sa mga taong umaaway, gumugulo at nananakit sakanila........ Oo tama nga siguro sila na matapang daw akong tao pero hindi nila alam na duwag din ako....... Dahil matapang lang ako pag nakikita ko silang inaapi, sinasaktan at ginugulo ng mga masasamang tao....... Dahil ayaw ko silang nakikitang nasasaktan ng kung sino mang mga tao.....
Dibali ng ako ang apiin, awayin, saktan at guluhin ng mga taong walang magawa sakanilang mga buhay...... Huwag lang ang mga taong mahahalaga sa aking buhay!.......

No comments:

Post a Comment